DIOCESAN COMMITTEE ON LITURGICAL MUSIC
Diocese of Malolos

 Welcome to the Official Website of

 DCLM Malolos
     
  HomeAbout DCLMContact DCLMActivitiesLatest NEWSReligious LinksMisal Songs  
 
 
Choir Guidelines
We are providing you with the proposed guidelines in Tagalog text. This is still for approval of the Commission.
 

MGA TAGUBILIN SA MGA KORO AT MGA TAGAPAMAHALA NITO

 

PANGKALAHATANG TAGUBILIN AT ISTRAKTURA

  1. Ang koro ng simbahan ay isang grupo ng mga mangaawit na naglilingkod sa bawat pagdiriwang ng Liturhiya sa pamamagitan ng pamumuno sa pag-awit ng Liturhiya.
    1. Ang pangunahing gampanin ng koro, ayon sa prinsipyo ng Konsilyo Vaticano II, ay ang tamang pag-awit NG MGA bahagi ng liturhiya na dapat inaawit hindi lamang pag-awit SA liturhiya.
    2. Ang pangalawang gampanin ay manguna at hikayatin ang sambayanan na makilahok sa pag-awit bilang pakikibahagi sa pagdiriwang.
    3. Ang koro ay maaaring kinabibilangan ng babae at lalake, puro babae o puro lalake, mga bata, mga senior, o magkakahalo ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ito ay maaari ring magkaroon ng sariling tagatugtog o maaaring umawit ng a capella. Ito ay maaaring pamunuan ng choir director o pnagulo ayon sa kanilang kagustuhan. 
  2. Maaaring magtatag ng mga koro sa mga simbahan (katedral man o kapilya) ngunit kailangang may pagkilala at permiso mula sa parokya na kinaaaniban.
    1. Ang pagkakaroon ng Parish Music Ministry (o anumang nais itawag ng parokya) ay mahalaga upang masiguro ang pagkakaisa at pakikibahagi ng mga koro sa parokya. Ito ay binubuo ng ibat ibang koro na naglilingkod sa parokya (parish-based choirs, SPPC/ barangay-based choirs, organizational choirs, school-based choirs, o anumang koro na may bahagi sa mga pagdiriwang sa parokya).
    2. Gampanin ng PMM ang pagpapatupad ng programa ng Diocesan Committee on Liturgical Music at programa ng parokya na may kinalaman sa liturhiya at musika. Kasama nito ang pageensayo ng mga awit, patuloy na pagpapaunlad ng mga talento ng mga koro at musicians, pagkakaroon ng mga pastoral at spirituwal na gawain para sa mga koro tulad ng recollections, retreats, seminars, atbp.

PARTIKULAR NA TAGUBILIN

  1. Saan dapat umawit ang koro?
    1. Ang koro ay kinakailangan bahagi ng sambayanang nagdiriwang at hindi hiwalay sa mga tao. Hindi pinapayagan na sa santwayo nakapwesto ang koro.
    2. Dapat nilang isaalang-alang ang espasyo na kanilang paglalagyan batay sa porma ng simbahan. Ito dapat ay:

-         komportable sa kanilang pag-awit.

-         hindi hadlang sa kanilang pakikilahok sa pagdiriwang.

  c.  Ang koro ay dapat nakikita ng paring namumuno at nakikita din nila ang nagaganap sa altar. Ito ay para magkaruon ng  
       magandang komunikasyon ang koro at ang pari hinggil sa pagdiriwang na nagaganap.

2. Paghahanda ng mga aawitin

a. Dapat maglaan ng sapat na panahon ang PMM upang maihanda ang mga aawitin sa pagdiriwang. Isaalang-alang ang TAON
                NG LITURHIYA sa pagpili ng awit hindi lamang ng angkop ang liriko nito kundi maging akma ang uri ng musika at tyempo
                nito. Isaalang-alang ang tema, panahon at okasyon ng pagdiriwang.

b. Makipag-ugnayan sa paring mamumuno ng pagdiriwang, sa kura paroko, o sa Lupon ng Liturhiya hinggil sa mga aawitin upang
                magkaroon ng kkordinasyon ang daloy ng pagdiriwang.

c. Mas higit na makabubuti na sundin ang mga awit na nakatakda sa Maliit na Misal dahil ang mga ito ay iniaangkop sa
                Pagdiriwang at sa TAON NG LITURHIYA.

d. Sa pangkalahatan, yaon lamang mga awit na may kapahintulutan ng Diocesan Committtee on Liturgical Music ang maaring
                awitin sa mga pagdiriwang. Ang mga aprubadong awit ay nakatala sa inihandang talaan ng mga awiting pansamba ng
                Diyosesis ng Malolos.

e. Dapat isaalang-alang din ang kakayanan ng koro na awitin ang mga gagamiting mga awit.

f.  Higit na isaalang-alang ang magiging pakikilahok ng mga tao sa pag-awit kayat ang mga gagamiting awit sa pagdiriwang ay
                dapat madaling  sabayan at matutunan.

3. Pagahahanda sa Pag-awit

            a. Dapat maglaan ang koro ng sapat na panahon sa pageensayo ng mga awit bago lumahok sa pagdiriwang lalo na kung may
                mga bagong aawitin. Iminumungkahi na dumating ng mas maaga ang koro sa itinakdang oras ng pagdiiwang.

b. Hanggat maaari ay turuan ang mga tao ng awit na gagamitin kung kayat mahalaga ang pagsasanay bago simulan ang
                anumang pagdiriwang. Subalit hindi ito dapat maging hadlang sa spiritwal na paghahanda ng mga tao sa pagdiriwang.

    Maaaring bigyan ng kopya ng mga awit ang mga tao o kaya namay gumamit ng projector upang mas madaling makasabay sa
                pag-awit. Ang tagakumpas ng koro ay maaari ring humarap sa mga tao upang sila man ay makasabay.

c. Sa anumang pagdiriwang na lalahukan ng koro, higit na iminumungkahi sa simulan at tapusin ang paglilingkod sa isang
                maikling panalangin.

d. Suriin at ihandang mabuti ang mga sumusunod bago magsimula ang pagdiriwang:

- Itono na ang mga instrumentong gagamitin.

- Sikaping maayos ang sound system na gagamitin tulad ng mga amplifiers at microphones.  

- Ipamigay ng maaga ang mga sipi ng awit.

- Iayos ang mga upuan bago at pagkatapos gamitin.

            e.  Ang bawat kasapi ng koro ay dapat nakadamit ng maayos. Hindi dapat magsuot ng short pants, sleeveless blouses, o
                 tsinelas.

  1. Tagubilin sa Pag-awit:
    1. Dapat tandaan ang prinsipyo ng progressive solemnity sa pagdiriwang. Mas espesyal ang pagdiriwang, mas solemne ang pag-awit. May mga awit na mas mahalagang awitin kaysa ibang awit batay na din sa panahon na kinpapalooban ng pagdiriwang. Halimbawa, ang Papuri sa Diyos ay mas pahalagahang awitin kaysa sa Panginoon Kaawaaan Mo Kami sa Karaniwang Panahon.
    2. Ang awit poliponico ay hindi hinihikayat lalo na kung hindi makakasabay ang mga tao sa pag-awit. Ngunit kung kinakailangan na mapaganda ang awit lalo na kung alam ng mga tao ang aawitin, ang poliponico ay maaaring makadagdag sa ikagaganda ng paagdiriwang. Isaalang-alang din ang dami ng tao, panahon at pook sa pag-awit ng  poliponiko .
    3. Sa mga awiting pansaliw sa mga kilos sa Liturhiya tulad ng Pambungad, Pag-aalay at Komunyon, dapat tapusin ang awit kapag tapos na din ang inaagapayanang kilos. Iminumungkahi ang paggamit ng prinspiyo ng fading out upang huwag biglaan ang pagtapos ng awit.
    4. Maaaring may mga solo parts sa pag-awit ngunit kinakailangang ito ay malinaw at hindi hadlang sa pakikilahok ng mga tao. May ilang bahagi lang ng pagdiriwang na pinapayagan ang solo parts tulad ng mga stanza sa Pambungad, Pa-gaalay, Komunyon. Maari ding may solo Panginoon Kaawaan Mo Kami, Papuri sa Diyos, Salmo, Aleluya, Kordero ng Diyos at Pangwakas.
    5. Ang Ama Namin ay dapat awitin ng lahat. Iminumungkahi na hindi dapat paiba-iba ang tono ng Ama Namin. Mas higit na mabuti kung  may permanenteng tono ang Ama Namin buwan buwan o kaya naman depende sa panahon ng pagdiriwang.
    6. Dapat makibahagi ang koro sa pagdiriwang kaisa ng sambayanan tulad ng pagluhod, pakikinig sa mga pagbasa at homilya, at pagsagot sa mga pagdiriwang.
    7. Maaaring gumamit ng ibat-ibang imstrumento subalit dpat isaalang-alang ang panahon ng pagdiriwang. Hindi dapat maging hadlang ang mga instrumento upang makilahok ang tao sa pagdiriwang. Hindi iminumungkahing gamitin ang saxophone at mga instrumentong masyadong secular ang gamit. Ang drums ay maaaring gamitin batay sa okasyon at panahon ng pagdiriwang. Ang ethnic instruments ay maaaring gamitin lamang sa mga lugar kung saan ang mga ito ay bahagi ng kultura ng mga taong nagdiriwang tulad ng mga katutubo.
    8. Hindi pinapahintulutan ang [agggamit ng minus one bilang pagsaliw sa pag-awit ng koro. Kung walang instrumento, umawit na lamang ng a capella.  Hindi din pinapahintulutan na magpatugtog ng recorded song sa anumang bahagi ng pagdiriwang. Ang prinsipyo ng natural music ang dapat na gamitin. Live voice at live instrument lamang.
    9. Tignan ang Tagubilin sa mga Awit sa Litruhiya para sa iba pang dapat isaalang-alang ng koro sa kanilang pag-awit ng liturhiya.

 

 
           

|Home| |About DCLM| |Contact DCLM| |Activities| |Latest News| |Religious Links| |Misal Songs| |Choir Guidelines|