We are providing you with the proposed guidelines in Tagalog text. This is still for approval of the Commission.
MGA TAGUBILIN SA MGA KORO
AT MGA TAGAPAMAHALA NITO
PANGKALAHATANG TAGUBILIN AT ISTRAKTURA
- Ang koro ng simbahan ay isang
grupo ng mga mangaawit na naglilingkod sa bawat pagdiriwang ng Liturhiya sa pamamagitan ng pamumuno sa pag-awit ng Liturhiya.
- Ang pangunahing gampanin
ng koro, ayon sa prinsipyo ng Konsilyo Vaticano II, ay ang tamang pag-awit NG MGA bahagi ng liturhiya na dapat inaawit hindi
lamang pag-awit SA liturhiya.
- Ang pangalawang gampanin
ay manguna at hikayatin ang sambayanan na makilahok sa pag-awit bilang pakikibahagi sa pagdiriwang.
- Ang koro ay maaaring kinabibilangan
ng babae at lalake, puro babae o puro lalake, mga bata, mga senior, o magkakahalo ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ito ay maaari
ring magkaroon ng sariling tagatugtog o maaaring umawit ng a capella. Ito ay maaaring pamunuan ng choir director o pnagulo
ayon sa kanilang kagustuhan.
- Maaaring magtatag ng mga koro
sa mga simbahan (katedral man o kapilya) ngunit kailangang may pagkilala at permiso mula sa parokya na kinaaaniban.
- Ang pagkakaroon ng Parish
Music Ministry (o anumang nais itawag ng parokya) ay mahalaga upang masiguro ang pagkakaisa at pakikibahagi ng mga koro sa
parokya. Ito ay binubuo ng ibat ibang koro na naglilingkod sa parokya (parish-based choirs, SPPC/ barangay-based choirs, organizational
choirs, school-based choirs, o anumang koro na may bahagi sa mga pagdiriwang sa parokya).
- Gampanin ng PMM ang pagpapatupad
ng programa ng Diocesan Committee on Liturgical Music at programa ng parokya na may kinalaman sa liturhiya at musika. Kasama
nito ang pageensayo ng mga awit, patuloy na pagpapaunlad ng mga talento ng mga koro at musicians, pagkakaroon ng mga pastoral
at spirituwal na gawain para sa mga koro tulad ng recollections, retreats, seminars, atbp.
PARTIKULAR NA TAGUBILIN
- Saan dapat umawit ang koro?
- Ang koro ay kinakailangan
bahagi ng sambayanang nagdiriwang at hindi hiwalay sa mga tao. Hindi pinapayagan na sa santwayo nakapwesto ang koro.
- Dapat nilang isaalang-alang
ang espasyo na kanilang paglalagyan batay sa porma ng simbahan. Ito dapat ay:
- komportable
sa kanilang pag-awit.
- hindi
hadlang sa kanilang pakikilahok sa pagdiriwang.
c.
Ang koro ay dapat nakikita ng paring namumuno at nakikita din nila
ang nagaganap sa altar. Ito ay para magkaruon ng magandang komunikasyon
ang koro at ang pari hinggil sa pagdiriwang na nagaganap.
2. Paghahanda ng mga aawitin
a. Dapat maglaan ng sapat na panahon ang PMM upang maihanda
ang mga
aawitin sa pagdiriwang. Isaalang-alang ang TAON NG LITURHIYA
sa pagpili
ng awit hindi lamang ng angkop ang liriko nito kundi maging
akma ang uri ng
musika at tyempo nito. Isaalang-alang ang tema, panahon
at okasyon ng
pagdiriwang.
b. Makipag-ugnayan sa paring mamumuno ng pagdiriwang, sa
kura paroko, o sa
Lupon ng Liturhiya hinggil sa mga aawitin upang magkaroon
ng kkordinasyon
ang daloy ng pagdiriwang.
c. Mas higit na makabubuti na sundin ang mga awit na nakatakda
sa Maliit na
Misal dahil ang mga ito ay iniaangkop sa Pagdiriwang at
sa TAON NG
LITURHIYA.
d. Sa pangkalahatan, yaon lamang mga awit na may kapahintulutan
ng Diocesan
Committtee on Liturgical Music ang maaring awitin sa mga
pagdiriwang. Ang
mga aprubadong awit ay nakatala sa inihandang talaan ng
mga awiting pansamba
ng Diyosesis ng Malolos.
e. Dapat isaalang-alang din ang kakayanan ng koro na awitin
ang mga gagamiting
mga awit.
f. Higit na isaalang-alang ang magiging pakikilahok ng
mga tao sa pag-awit
kayat ang mga gagamiting awit sa pagdiriwang ay dapat madaling
sabayan at
matutunan.
3. Pagahahanda sa Pag-awit
a. Dapat maglaan ang koro ng sapat na panahon sa pageensayo ng mga awit bago
lumahok sa pagdiriwang lalo na kung may mga bagong aawitin.
Iminumungkahi
na dumating ng mas maaga ang koro sa itinakdang oras ng
pagdiiwang.
b. Hanggat maaari ay turuan ang mga tao ng awit na gagamitin
kung kayat
mahalaga ang pagsasanay bago simulan ang anumang pagdiriwang.
Subalit hindi
ito dapat maging hadlang sa spiritwal na paghahanda ng
mga tao sa pagdiriwang.
Maaaring bigyan ng kopya ng mga awit ang mga tao o kaya
namay gumamit ng
projector upang mas madaling makasabay sa pag-awit. Ang
tagakumpas ng koro
ay maaari ring humarap sa mga tao upang sila man ay makasabay.
c. Sa anumang pagdiriwang na lalahukan ng koro, higit na
iminumungkahi sa
simulan at tapusin ang paglilingkod sa isang maikling panalangin.
d. Suriin at ihandang mabuti ang mga sumusunod bago magsimula
ang
pagdiriwang:
- Itono na ang mga instrumentong gagamitin.
- Sikaping maayos ang sound system na gagamitin tulad ng mga amplifiers at microphones.
- Ipamigay ng maaga ang mga sipi ng awit.
- Iayos ang mga upuan bago at pagkatapos gamitin.
e. Ang bawat kasapi ng koro ay dapat nakadamit ng maayos. Hindi dapat
magsuot ng short pants, sleeveless blouses, o tsinelas.
- Tagubilin sa Pag-awit:
- Dapat tandaan ang prinsipyo
ng progressive solemnity sa pagdiriwang. Mas espesyal ang pagdiriwang, mas solemne ang pag-awit. May mga awit na mas mahalagang
awitin kaysa ibang awit batay na din sa panahon na kinpapalooban ng pagdiriwang. Halimbawa, ang Papuri sa Diyos ay mas pahalagahang
awitin kaysa sa Panginoon Kaawaaan Mo Kami sa Karaniwang Panahon.
- Ang awit poliponico ay hindi
hinihikayat lalo na kung hindi makakasabay ang mga tao sa pag-awit. Ngunit kung kinakailangan na mapaganda ang awit lalo na
kung alam ng mga tao ang aawitin, ang poliponico ay maaaring makadagdag sa ikagaganda ng paagdiriwang. Isaalang-alang din
ang dami ng tao, panahon at pook sa pag-awit ng poliponiko .
- Sa mga awiting pansaliw sa
mga kilos sa Liturhiya tulad ng Pambungad, Pag-aalay at Komunyon, dapat tapusin ang awit kapag tapos na din ang inaagapayanang
kilos. Iminumungkahi ang paggamit ng prinspiyo ng fading out upang huwag biglaan ang pagtapos ng awit.
- Maaaring may mga solo parts
sa pag-awit ngunit kinakailangang ito ay malinaw at hindi hadlang sa pakikilahok ng mga tao. May ilang bahagi lang ng pagdiriwang
na pinapayagan ang solo parts tulad ng mga stanza sa Pambungad, Pa-gaalay, Komunyon. Maari ding may solo Panginoon
Kaawaan Mo Kami, Papuri sa Diyos, Salmo, Aleluya, Kordero ng Diyos at Pangwakas.
- Ang Ama Namin ay dapat awitin
ng lahat. Iminumungkahi na hindi dapat paiba-iba ang tono ng Ama Namin. Mas higit na mabuti kung may permanenteng tono ang Ama Namin buwan buwan o kaya naman depende sa panahon ng pagdiriwang.
- Dapat makibahagi ang koro
sa pagdiriwang kaisa ng sambayanan tulad ng pagluhod, pakikinig sa mga pagbasa at homilya, at pagsagot sa mga pagdiriwang.
- Maaaring gumamit ng ibat-ibang
imstrumento subalit dpat isaalang-alang ang panahon ng pagdiriwang. Hindi dapat maging hadlang ang mga instrumento upang makilahok
ang tao sa pagdiriwang. Hindi iminumungkahing gamitin ang saxophone at mga instrumentong masyadong secular ang gamit. Ang
drums ay maaaring gamitin batay sa okasyon at panahon ng pagdiriwang. Ang ethnic instruments ay maaaring gamitin lamang sa
mga lugar kung saan ang mga ito ay bahagi ng kultura ng mga taong nagdiriwang tulad ng mga katutubo.
- Hindi pinapahintulutan ang
[agggamit ng minus one bilang pagsaliw sa pag-awit ng koro. Kung walang instrumento, umawit na lamang ng a capella. Hindi din pinapahintulutan na magpatugtog ng recorded song sa anumang bahagi ng pagdiriwang. Ang prinsipyo
ng natural music ang dapat na gamitin. Live voice at live instrument lamang.
- Tignan ang Tagubilin sa mga
Awit sa Litruhiya para sa iba pang dapat isaalang-alang ng koro sa kanilang pag-awit ng liturhiya.